Manhid

Mahal, kailan mo ba ako tunay na makikita?
Mahal, yayakapin kita ng walang hanggan
Ngunit hindi ako iyong nakikita
Hindi ang yakap ko ang iyong nadarama

At sa tuwing ako'y hinahagkan
Ang mga labing kay pait na walang hanggan
Sa hangin ng puso dumadaan

Mainit mo ako ngayong hinahawakan
Mga kamay mo'y naglalakbay kung saan-saan
Mainit mo akong binabalot ng iyong kalungkutan
Natutunaw ako sa init ng iyong katawan

Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Kailan mo ba ako mararamdaman?

Oh, kay tagal maghilom ng mga sugat ko
Abutin ko man, malalim ito, malulunod ako

Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Kailan mo ba ako mararamdaman?



Credits
Writer(s): Isha Abubakar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link