Ligawan Medley: Ewan, Panalangin, Kabilugan Ng Buwan

Sari-sari daw ang klase ng babae
Sa pagligaw, 'wag kang pahuhuli
Mayro'ng ligaw na paspasan
Mayro'ng ligaw matagalan
Kahit na papa'nong ligaw
Basta ba mapasagot ko sa huli

'Di ko alam kung bakit ka ganyan
Mahirap kausapin, 'di pa namamansin
'Di mo ba alam, ako'y nasasaktan?
Ngunit 'di bale na basta't malaman mo na

Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na
Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Sumagot ka naman, 'wag lang "Ewan"

Panalangin ko sa habang-buhay
Makapiling ka, makasama ka
'Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko, iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sasabihing minamahal kita

Bawat lalaki ay may sariling diskarte
May gumagamit ng pabango at tsokolate
May estilong pang-romantic
Kahit na walang hatid
Kahit na anong estilo
Basta ba mapasagot ko sa kilig

Kapanahunan na naman ng paglalambingan
At kasama kitang mamasyal sa kung saan
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag

Halina't pakinggan ang awit na dala ng pag-ibig
Masaya ang mundo 'pag kapiling kitang ganito
Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya
Lapit na, oh, lapit pa
(Lapit pa, lapit pa, lapit pa)
Lapit pa, ah-ah

Kaya lalaki, pagbutihan ang diskarte
Ikaw babae, 'wag ka nang magpapaarte
'Wag mo nang pahihirapan
Ang lalaki'y pagbigyan
'Wag ka nang magpapakipot
At doon pa rin naman mauuwi
'Wag ka nang magpapakipot
At doon pa rin naman mauuwi

Ah-ah, ah-ah, ah-ah, mauuwi
Ah-ah, ah-ah, ah-ah, mauuwi
Ah-ah, ah-ah, ah-ah, mauuwi
Ah-ah, ah-ah, ah-ah



Credits
Writer(s): Apo Hiking Society
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link