Huwag Na Sana 'kong Gumising Mag-Isa (Modulogeek Remix)

Hawak ang 'yong kamay
Habang naglalakbay
Hindi pa 'ko sanay
Sana habang-buhay

Yakapin mo ako
'Wag munang lalayo
Ayokong mawala
Ating pagsasama

'Di ko mapaniwalaan na
Ikaw ay nasa piling ko, sinta
Wala na 'kong kakailanganin pa
Kung ito ay panaginip lang
Ang buhay kong ito'y mawiwindang
Huwag na sana 'kong gumising mag-isa

Init ng 'yong haplos
Amoy ng 'yong pulbos
Hinhin ng 'yong ngiti
Sana 'di mapawi

Kuyugin mo ako
Ng mga yakap mo
Atin ang magdamag
Hindi matitinag

'Di ko mapaniwalaan na
Ikaw ay nasa piling ko, sinta
Wala na kong kakailanganin pa
Kung ito ay panaginip lang
Ang buhay kong ito'y mawiwindang

Huwag na sana 'kong gumising mag
Huwag na sana 'kong gumising mag
Huwag na sana 'kong gumising mag-isa



Credits
Writer(s): Johann Angelo Nicolas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link