Balak Ni Syke

Kung may alak, may balak
Lasing sa kasalukuyan ngunit malaman ang alaala
Gising at kasalukuyang malala na
Nadala na sa nakaraang magdamag na baon sa pagtulog
Bukas ang bakas ay may babaon sa limot

Eto ang mga kuwento ng makata
Basahin ang mga nasa gitna ng talata
Siksik na parang de-lata, seksi, pandalaga
Sorry, 'di na 'ko binata

Ang mga kuwento ng makata
Inumpisahan sa tulang pinamagatang "Balak"
Isinulat na walang alak
Laman lamang ng utak ang pinadaloy sa panulat
Laman ng puso ang pangmulat na walang panggulat
Simple lang, kabado, easy lang
Kung busy, ngisi lang, kalmado, steady lang
Ngayon ang panahon ng pagbubuhat ng sariling bangko, keri lang

'Di mo kailangang mag-Ingles para malaman nilang matalino ka
'Di rin naman kailangan managalog para malaman nilang Pilipino ka
Pilipino ka, kalabaw ka, hindi ka baka
Hindi ka mansanas kundi mangga

At 'wag mo nang asahang datnan ang panahong tatangos ang iyong ilong
'Tsong, hindi ka puti, kayumanggi ang kulay mo
Mahalaga kung ano ang kaya mong gawin, gawing magaling
Tinitibok ng bawat damdamin ang gawang magaling

Sumigaw kung kailangan na mailabas ang nagbabagang galit sa dibdib
Ngunit sunog na ang daigdig sa mga sinasabing walang silbi
Kaya nakasalpak sa mga manhid ang panawid-gutom, kumakalam ang tenga
Nakasalampak sa sahig ang mga patay-gutom, said, walang kumakalinga

May mga pantas na 'di malaman ang tungo
Hindi puso, kundi nguso ang panturo
Naging sinungaling ang mga labi ng mga bagong salinlahi
Hindi pa huli ang lahat, hawiin ang ulap, nakakabulag
Kini mao ang akong balak at ang balak namin ni Gloc
Maging makabuluhan ang pagkaguluhan ng nangangarap



Credits
Writer(s): Michael Dolero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link