Ako'Y Maghihintay

Ang matapat kong pag-ibig,
'ginanti mo ay pasakit
Ikaw na aking iniibig,
nagdurusa puso ng hinagpis

Kung ikaw ma'y salawahan,
di 'ganong ako'y magdaramdam
Ang masakit sa aking kalooban,
umalis ka ng walang paalam

At pati ang mga ala-ala,
sa buhay ko mahalaga
Sa iyong paglayo ay iyo pang dinala
Walang iniwan ka kundi dusa

Kung ito mang kapalaran,
magtitiis ako aking mahal
Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay,
doon sa langit ay maghihintay

At pati ang mga ala-ala,
sa buhay ko mahalaga
Sa iyong paglayo ay iyo pang dinala
Walang iniwan ka kundi dusa

Kung ito mang kapalaran,
magtitiis ako aking mahal
Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay,
doon sa langit ay maghihintay

Kung tayo man sa lupa'y nagkawalay,
doon sa langit ay maghihintay



Credits
Writer(s): Vincent T Delos Reyes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link