Pakiusap

Pakiusap ko na lamang
'Wag mo akong iwan
'Pagkat ikaw ang tanging pag-asa
Ng buong buhay ko

At kung mawawala ka pa
Sa'n ako mapupunta
Mapupunta ngayon

At nung una kang masilayan
Nagbago ang lahat
'Pagkat sinikap mong makulayan ang
Bughaw ko ring mundo

At kung matitiis mo pa
Na mawalan ng umaga

'Wag mong ibabalik ang kahapon
Buhay ko'y gulong gulo
'Wag mong ibabalik ang kahapon
Kung pangarap ay 'di nabubuo
At kung ibabalik and dating kadiliman ng panahon

Lulubog na rin ang araw
Kung ika'y maglalaho
Ang mundo ay 'di na gagalaw
Kung wala sa piling mo

Ano pa nga bang halaga
Ng aking pag-iisa

'Wag mong ibabalik ang kahapon
Buhay ko'y gulong gulo
'Wag mong ibabalik ang kahapon
Kung pangarap ay 'di nabubuo
'Wag mong ibabalik and dating kadiliman

'Wag mong ibabalik ang kahapon
Buhay ko'y gulong gulo
'Wag mong ibabalik ang kahapon
Kung pangarap ay 'di nabubuo
'Wag mong ibabalik and dating kadiliman ng panahon

'Wag mong ibabalik ang panahon



Credits
Writer(s): Jobert Austria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link