Umiibig Ako

Umiibig ako sa isang nilalalang na wala ng kalayaan
Sa batas ng tao at sa batas ng Diyos, 'di ko siya maaaring angkinin

Kapwa taos sa puso ang aming pagsuyo
'Di namin sinadyang kami'y magkatagpo
Sumibol sa dibdib bawal na pag-ibig
Na maituturing kong tanging ligaya ko

Umiibig ako sa isang taong wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang kami'y pinagtagpo nang ating Maykapal?
Umiibig ako, unang pag-ibig ko, bakit siya pa o Diyos ko
Sadya bang ganito ang umibig ng tapat, luha ang dulot nito

Kahapon, kagabi kami ay nagkita upang wakasan ang lahat
Kapwa lumuluha, kay hapdi ng sugat ngunit wala kaming magagawa

Paano kong lilimutin suyuang kay lambing na sa kanya ko lang natagpuan
Hahanap-hanapin ko, halik n'yang kay tamis at mga yakap na anong higpit

Umiibig ako sa isang taong wala ng kalayaan
Bakit nangyari pang kami'y pinagtagpo nang ating Maykapal?
Umiibig ako, unang pagibig ko, bakit siya pa o Diyos ko
Sadya bang ganito ang umibig ng tapat, luha ang dulot nito



Credits
Writer(s): Pablo Vergara
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link