Panyolito

Panyolito, panyolito
Ito'y aking iaabot sa 'yo

Giliw ko, tanggapin mo itong aking panyolito
Ito'y palatandaan ng pag-ibig ko sa 'yo
At kung sakali mang tayo ay 'di na magkita
Itago mo ang panyolito na sa 'yo'y alaala

Ako ay pupunta doon sa malayong lugar
Aking hahanapin ang magandang kapalaran
Malulungkot ka man at luha'y 'di mapigilan
Pahirin mo ng panyolitong aking iniwan

Panyolito, panyolito
Ito'y munting alaala ko sa 'yo
Panyolito, panyolito
Ang siyang ipahid sa mga luha mo

Ayaw ko sanang mapalayo sa piling mo
Ngunit sadyang mahirap ang buhay natin dito
Tayo'y maglalayo ngunit ating ipangako
Pag-ibig natin ay hindi magbabago

Panyolito, panyolito
Ito'y munting alaala ko sa 'yo
Panyolito, panyolito
Ang siyang ipahid sa mga luha mo

Giliw ko, tanggapin mo itong aking panyolito
Ito'y palatandaan ng pag-ibig ko sa 'yo
At kung sakali mang tayo ay 'di na magkita
Itago mo ang panyolito na sa 'yo'y alaala
Itago mo ang panyolito na sa 'yo'y alaala

Panyolito, panyolito
Sana ay iingatan mo



Credits
Writer(s): Adam Noah Levine, Ammar Malik, Johan Karl Schuster, Benjamin Joseph Levin, Cameron Jibril Thomaz, Daniel Thomas Omelio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link