Bakit Gano'N

Lahat ay gagawin 'wag lamang mangamba
Bakit nagkagan'to lahat? Bakit bigla kang nag-iba?
Itong nadarama, sa'n nga ba pupunta?
Bakit kahit kasama siya ako pari'y nag-iisa?

Anong magagawa pag hindi ka kaya pang maalis sa isipan?
Ano o saan o kailan? Yeah, yeah (ano o saan o kailan? Yeah)
'Pag kasama ka ay nahihibang, nababaliw sa bawat tinginan
Muli sana 'di magdamdam (magdamdam) whoa

Bakit gano'n biglang lalapit at mawawala?
Bakit gano'n sa bawat yakap mo'y nagtataka?
Bakit gano'n? Bakit gano'n?
Bakit gano'n? Bakit gano'n?
Bakit gano'n? Bakit gano'n?

Sa bawat kilos mo'y namamangha, hinding hindi sa 'yo magsasawa
Pa'no ba babalikan? Yeah, hmm (pa'no ba babalikan?)
'Pag kausap ka ako'y nauutal, biglang ang mundo ko'y bumabagal
Sa 'yo lang ako kailanman, yeah (sa 'yo lang ako kailanman)

Bakit gano'n biglang lalapit at mawawala?
Bakit gano'n sa bawat yakap mo'y nagtataka?

Para sa 'yo, lahat ay gagawin 'wag lamang mangamba
Kahit ngayong nandito ka (sa 'king tabi mapa-umaga o gabi)
Bakit ako'y nag-iisa?

Nagbago na'ng lahat sabihin na ako'y mahal parin
Paano sasaya 'pag 'di mo na ako pinapansin?

Isang tanong sayo at sa aking sarili
Sana'y masagot ko na'ng lahat para ito'y tumigil na

Bakit gano'n biglang lalapit at mawawala?
Bakit gano'n sa bawat yakap mo'y nagtataka?
Bakit gano'n? Bakit gano'n? (Bakit gano'n?)
Bakit gano'n? Bakit gano'n? (Bakit gano'n?)
Bakit gano'n? Bakit gano'n? Bakit gano'n?



Credits
Writer(s): Brian Lotho
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link