Ikaw Lamang

Bakit ba tadhana ay mapaglaro?
Bigla tayong pinaglayo
Buhay natin na masaya, naglaho

'Di kayang mabuhay sa mundo
Na wala ka't 'di katabi
Laman ng aking puso ay ikaw
No'ng ikaw ay nawala
Buhay ko ay wala nang halaga

Ikaw lamang ang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko, pagmamahal
Sa 'yo'y iaalay, aking mahal

Puso nagdurusa
May lumbay na nadarama
Hiling ko sa langit
Na muli kang mayakap, kapiling

Umaasa pa rin sa liwanag ng bituin
Makikita kitang muli
Buhay natin na masaya, mabalik
Ikaw ang buhay ko, puso kong ito
Tibok ay ikaw

Ikaw lamang ang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko, pagmamahal
Sa 'yo'y iaalay, aking mahal

Tayo'y magkalayo
Magunaw man ang mundo
Pag-ibig ko sa 'yo
Kailanman 'di maglalaho

Ikaw lamang ang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko, pagmamahal
Sa 'yo'y iaalay

Ikaw lamang ang tanging laman
Nitong aking puso
Ang buhay ko, pagmamahal
Sa 'yo'y iaalay, aking mahal

Ikaw lamang, aking mahal
Ikaw lamang



Credits
Writer(s): Ogie Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link