Kahon

Sige na, 'wag nang magalit sa mahal mo
Heto ako, nangungulit sa 'yo, 'di ka naman mabiro
Nilalambing ka lang ng irog mo

Sige na, mukha mo ay ayusin mo na
Heto na nga't sinusunod kita
Bukod sa pagsayaw kahit kaliwang mga paa
Nakakangawit maglaba, laging limot kung may wings o wala

Buksan mo na'ng kahon at palayain nang mahinahon
Ang mga sulat na tinago at binaon
Hindi sa limot kundi para mapagtanto mo
Na lahat ng nakasulat ay tutuparin ko

Sige na, mali na kung mali ako
Eksaheradong magustuhan mo
Masyado nang madrama, teka lang
Para bang mayro'ng mali, dapat tayo'y ngumiti
Pagsaluhan ang saya't pighati

Gaya ng sumpaang magmamahalan
Saksi bawat mata't tenga'y sa altar nakatingin
Habang nagpapalitan ng singsing at sinasambit
Nakapikit, magkadikit ang mag-isang dibdib

Buksan mo na'ng kahon at palayain nang mahinahon
Ang mga sulat na tinago at binaon
Hindi sa limot kundi para mapagtanto mo
Na lahat ng nakasulat

Na lahat ng nakasulat
Na lahat ng nakasulat
Na lahat ng nakasulat
Ay tutuparin ko



Credits
Writer(s): Christopher L Williams
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link