Iisang Tao

IISANG TAO

Ang sayo ay sayo ang sa kanya ay sa kanya
Tayong lahat ay iisa kahit magkakaiba

Aking nakikita ay di mo nakikita
Aking naririnig ay tahimik sa iyong tenga
Aking nadarama ay di mo nararamdaman
Bakit ganyan? Bakit ganyan?

Bakit manhid tayo sa kahirapan ng iba
Di ba't tayong lahat ay galing sa isang bunga
Pinagmulan natin lahat ay iisa lamang
Bakit ganyan? Walang pakialam. Bakit ganyan?

Ohhhhhh
Katotohanan di na natin maalala
Ohhhhh
Ating nalimutan

Bakit mas madali maging tulog kaysa gising
Maging bulag, manhid sa halip na makialam
Sa dami ng problema nating sangkatauhan
Bakit ganyan? Dapat makialam. Makialam

Ohhhhhh
Katotohanang di na natin maalala
Ohhhh
Ating nalimutan

Unti-unti
Nasisira
Ang ating mundo
Dahil sa
Kaswapangan
Ng mga tao
Kailangan natin
Makita
Na may hangganan to
Kapag wala na ang mundo
Wala na rin tayo

Ba't di natin pilitin na matutunan kung paano
Matuwa' at magalak kahit d tayo ang panalo
Hatakan ng hatakan pagod ang ating mga braso
Silipan ang dumihan na mas masahol pa sa aso
O hayop na to palaboy-laboy sa lansangan
Pagturo ng puik sa mukha ng kapwa ay iwasan
Malasakait at respeto sa iba ay wag mabawasan
Tayo lang ang kadalasan ay siya lang maaatasan
D ba

Unti-unti natin sinisirang ating mundo
Sa kahahabol ng kasiyahan ng bawat tao
Makakamit lamang ito kapag maintindihan
Na pag-ibig ang kailangan
Ng bawat nilalang.

Ohhh...
Hanapin ang mabuti sa isa't isa
Ohhh
Hindi naman tayo tunay na nagkakaiba
Ohhh
Tanggapin na natin ang katotohanan
Ako ikaw tayo
Ay I-isang tao lamang

Iisa lang
Ikaw at ako
Iisa lang
Sila at tayo
Iisa lang
Lahat ng tao
Iisa lang
Ang buong mundo

Ako, ikaw tayo
Iisang tao lamang



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link