Kahit Maputi Na Ang Buhok ko

Kung tayo ay matanda na
Sana'y 'di tayo magbago
At kailanman, nasan ma'y ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin? Hmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sayo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?

Tanda ko pa nung ako'y mahumaling
Ikaw ang laman ng lahat ng dalangin
Ang laging hatid sa pag ihip ng hangin
Halimuyak na nagpaamo saakin

At tinalaga ako ay ibigin mo rin
Iregalo sayo lahat ng mga bituin
Kahit na medyo may kahirapan atang gawin
May pangako ako sayo na 'di ko buburahin

Pagdating ng araw ang iyong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap nang nakaraan sa'tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sayo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y lagi sayo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko

'Di na makalakad aalalayan kita
Kung 'di nakakita ay babasahan kita
Kung 'di man makabangon
Humiga tayo maghapon
Ikaw lamang ang iibigin at wala nang iba

Kung 'di na makaligo sabay tayong bumaho
Iyong ganda sa aking mata'y 'di maglalaho
Hanggang maubos ang kandila at lahat ay magdilim
Ikaw lamang at ako ang siyang palagi kong hiling

Nagtatanong lang sayo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?



Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link