Ulan

Bakit 'di mo pagmasdan
Nagdidilim itong kalangitan
Pumapatak na ang ulan
Bawat ambon ay may kahulugan

Isipin mong mabuti ang magagawa
Sa paghinto nito'y dapat nakahanda
'Pagkat bawat pagdidilim ay may liwanag na maaatim

Sa paghinto ng ulan ay may pag-asa
Sa pagtigil nito'y may dalang ligaya
Bawat pangarap mo'y makikita
Lahat ng mithii'y mapapala
Hintayin mo lamang ang kanyang pagtila

Tingnan mo itong hardin
Sila'y tuwang-tuwa pagkatapos diligin
Ang palay ay tingnan mo rin
Nagkukulay luntian sa 'yong paningin

Lahat ng bagay ay may katuturan
Pagkatapos nitong mahabang tag-ulan
'Wag lamang maiinip sa paghihintay
Asahan mong buhay ay magiging makulay

Sa paghinto ng ulan ay may pag-asa
Sa pagtigil nito'y may dalang ligaya
Bawat pangarap mo'y makikita
Lahat ng mithii'y mapapala
Hintayin mo lamang ang kanyang pagtila

Sa paghinto ng ulan ay may pag-asa
Sa pagtigil nito'y may dalang ligaya
Bawat pangarap mo'y makikita
Lahat ng mithii'y mapapala
Hintayin mo lamang ang kanyang pagtila



Credits
Writer(s): Jay Norman Justiniani, Dosdos Jhunjie, Fritz Labrado, Mabini Jovan, Ruben Caballero, Rommel Tuico, Joel Gabucan, Michael Manuel Ladia Manaloto
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link