Tayo Na Lang

Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang?
Ako na lang, tayo na lang

Ikaw lang talaga ang minahal mula noon
'Di pa rin nagbabago sa 'yo hanggang ngayon
Anomang panahon, ako'y maghihintay
Hindi babaling sa iba, ano man ang gawin
'Di kayang pigilin, aking nadarama

Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang?
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama

Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa 'yo'y 'di magbabago
Kung pwede lang, ako na lang, tayo na lang

Ikaw pa rin talaga ang iniisip ko ngayon
Kahit na alam kong iba'ng kapiling mo ngayon
Alam kong sa iyo'y may pagkukulang s'ya, pwede bang makialam?
Hindi ko kayang pabayaang makita kang ganyan

Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang?
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama

Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa 'yo'y 'di magbabago
Kung pwede lang, ako na lang, tayo na lang

Nandito lang ako
Naghihintay na makapiling ka

Ako na lang sana ang minahal
'Pagkat pag-ibig ko'y magtatagal
Pwede na ba sana tayo na lang?
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama

Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa 'yo'y 'di magbabago
Kung pwede lang, ako na lang, tayo na lang

Pwede na ba sana tayo na lang?
Ikaw ang tangi kong pangarap makasama
Ako na lang sana ang inibig mo
'Pagkat sa 'yo'y 'di magbabago
Kung pwede lang, ako na lang, tayo na lang



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link