Ambon

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
Kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
Araw-araw ninanais marinig, ang tawang s'yang tumunaw
Sa pusong giniginaw, sa lamig ng lumipas

Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
Ngunit d'yan umaambon lamang

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong
Yakap at halik, ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitilain ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

'Di mapaliwanang ang galak na aking nadadarama
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam

Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
Ngunit d'yan umaambon lamang

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong
Yakap at halik, ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitilain ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

Paano ba patitigilin ang
Pagbuhos ng bagyo, pagbuhos ng bagyo

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong
Yakap at halik, ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

(Paano ba patitigilin ang)
(Pagbuhos ng bagyo, pagbuhos ng bagyo?)
Paano ba patitigilin ang (Paano ba patitigilin ang)
(Pagkahulog ko sa 'yo, pagkahulog ko sa 'yo?)

Paano ba patitigilin ang (Paano ba patitigilin ang)
(Pagbuhos ng bagyo, pagbuhos ng bagyo?)
Sana ay maanggihan man lang ako
Sana (sana) ang pagkahulog kong ito sa 'yo

(Paano ba patitigilin ang)
(Pagbuhos ng bagyo, pagbuhos ng bagyo?)
Paano ba patitigilin ang
(Pagkahulog ko sa 'yo, pagkahulog ko sa 'yo?)
Pagkahulog ko sa 'yo

Paano ba patitilain ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?
Kung ang gusto mo lang ay ambon?



Credits
Writer(s): Nica Del Rosario, Star Songs Inc
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link