Padayon (Theme from Kid Kulafu)

Bago magtagumpay
Kailangan munang sumablay
Sa mga binabato ng buhay kasama ang aray
Padayon, padayon

Sikmura'y sumusuko nagrereklamo kumakalam
Di nakakabusog ang pangarap
Sadyang walang laman
Kumayod lang nang kumayod
Huwag kang aayaw

Kahit walang makapitan
Huwag kang bibitaw kasama sa tagumpay
Tamang daan at gabay
Sa mga taong nagbigay ng buhay
Ano man ang kulay padayon
Padayon

Ikaw ay umikot ng mundo pasan mo man ito
Sakyan mo lang ang alon ano man laki nito
Guhit na ang ating bukas
Huwag kang aatras
Di tayo pababayaan mas malakas
Ang nasa taas abot ang tagumpay

Dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay
Matutong sumakay abot ang tagumpay
Dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay matutong sumakay
Padayon (padayon padayon)
Padayon (padayon padayon)

Nadapa, Sugatan, Nagwala, Nabigo
Nalito, Lumayo, Bumugbog, Tumayo
Bukas ay may panibagong yugto
Tamang oras na nakalaan sayo

Abot ang tagumpay
Dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay matutong sumakay
Abot ang tagumpay
Dahil sa dalawang kamay
Sa hirap ng biyahe ng buhay natutong sumakay

Hey (oh)
Padayon (tuloy ang laban)
Padayon



Credits
Writer(s): Lloyd Oliver Corpuz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link