Medley: Ikaw Ang Lahat Sa Akin / Narito

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang kahapong lagi kong kasama

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y 'di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Pa'no mapipigil ang isang damdamin

Kung ang sinisigaw ikaw ang lahat sa akin
At kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin
Bukas na walang hanggan
Doo'y maghihintay pa rin

Narito ang puso ko
Inaalay lamang sa 'yo
Aking pangarap kahit saglit
Ang ikaw at ako'y makapiling

Minsan pang makita ka
Damdamin ay sumasaya
Lungkot napapawi buhay ko'y ngingiti
Sa sandaling pag-ibig mo'y makamit

Puso ko'y narito naghihintay sa pag-ibig mo
Ikaw lamang ang inaasam
Tanggapin mo ang puso ko
Hanggang matapos ang kailanman

Kahit 'di malaman o maintindihan
Kahit na masugatan ang puso
Naghihintay sa 'yo maghihintay ako

Kung hindi ngayon ang panahon
Upang ikaw ay mahalin bukas na walang hanggan
Ako'y maghihintay pa rin
Narito maghihintay pa rin



Credits
Writer(s): Gary Valenciano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link