Pagsubok

Isip mo'y litong-lito
Sa mga panahong nais mong malimot
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan?
Ang buhay ay sadyang gan'yan
Sulirani'y 'di mapigilan
Itanim mo lang sa iyong pusong
Kaya mo yan

Pagkabigo't alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at 'yong labanan

'Wag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na S'yang lumikha
'Di lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan

Pagkabigo't alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at 'yong labanan

Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan

Pagkabigo't alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong itigil ang laban
Oh, la-la-la-la-la-la-la, yeah
'Wag mong isuko at 'yong labanan
'Wag mong isuko at 'yong labanan

Pagkabigo't alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong isuko ang laban



Credits
Writer(s): Padilla Naldy, Ong John
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link