Kasama Kang Tumanda

Itong awiting ito ay alay sa 'yo
Sintunado man 'tong mga pangako sa 'yo
Ang gusto ko lamang, kasama kang tumanda

Patatawanin kita 'pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita 'pag may rayuma ka na
Oh, kay sarap isipin kasama kang tumanda

Ibibili ng balot 'pag mahina na'ng tuhod
Ikukuha ng gamot 'pag sumakit ang likod
Oh, kay sarap isipin kasama kang tumanda, oh

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang 'di mabilang
30 araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3001

Magmukha mang bruha paggising sa umaga
Pupunasan ko pa ang muta mo sa mata
Oh, kay sarap isipin kasama kang tumanda

Ipaglalaba pa kita matapos mamalantsa
Kahit abot-abutin man ako ng pasma
Oh, kay sarap isipin kasama kang tumanda, oh

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang 'di mabilang
30 araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa 3001

Loves na loves pa rin kita kahit bungi-bungi ka na
Para akin ikaw pa rin ang pinakamaganda
Oh, kay sarap isipin kasama kang tumanda

At nangangako sa 'yo
'Pag sinagot mong oo
Iaalay sa 'yo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang
Kasama kang tumanda



Credits
Writer(s): Martinez Christian
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link