Para Sa Bayan

Pilipino ako sa puso't diwa
Ang buhay ko sa bayan ay itataya
Pilipinas na aking bansa
Ang iwanan ka'y hinding-hindi magagawa

Ikaw ang tahanan ng aking lahi
Lahing kayumanggi
Di papayag na ikaw ay ma-aglahi
Kahit dugo ang maging sukli

Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan
Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man
Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral
Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang

Igagalang ko ang kapwa
Sa isip ko, sa sa salita at sa gawa
Magulang ko ay susundin,
At ang utos ng Diyos aking tutuparin

Ikaw ang tahanan ng aking lahi
Lahing kayumanggi
Di papayag na ikaw ay ma-aglahi
Kahit dugo pa ang sukli

Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan
Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man
Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral
Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang

Iaalay ko ang aking buhay nang buong katapatan
Pilipino ako puso't isip ko'y ganyan

Para sa bayan tungkulin ko'y gagampanan
Nang buong tapat at walang pag-iimbot kailan pa man
Para sa bayan susundin ko ang batas na pinaiiral
Hindi ako maghahangad ng para sa sarili lamang

Para sa bayan,Para sa bayan
Para sa bayan



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link