Bakit Lumuluha - Stripped Version

Kung sadyang mapaglaro
Ang tadhana sa kahit sino man
Ako'y hahayong palayo sa kamusmusang ito
At ihahanda ang isip ko

Ngunit, kung ako ay masaya at naniniwala sila
Bakit lumuluha? Bakit lumuluha?
Ngunit, kung ako ay matatag, tulad ng paniniwala
Tila nanghihina, tumulo na ang luha

May pangingimi man
Laan ay buong-buo, ganap na'ng tiwala ko
Sa katuparan ng pinakaasam-asam ko

Ngunit, kung ako ay masaya at naniniwala sila
Bakit lumuluha? Bakit lumuluha?
Ngunit, kung ako ay matatag, tulad ng paniniwala
Tila nanghihina, tumulo na ang luha

Nawawalan ng pag-asa, dapat bang itago pa?
Nagpupumiglas na'ng aking damdamin
Nakangiti, ngunit malapit nang sumabog ang nadarama
Pipilitin hangga't aking kakayanin

Kung ako ay masaya at naniniwala sila
Bakit lumuluha?
Kung ako ay matatag, tulad ng paniniwala
Ooh-whoa-whoa-whoa

Kung ako ay masaya at naniniwala sila
Bakit lumuluha? Bakit lumuluha?
Ngunit, kung ako ay matatag, tulad ng paniniwala
Tila nanghihina, tumulo na ang luha, ooh



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, Paula Alcasid
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link