Takbo Ng Mundo

Minsan kung alin ang 'di mo ninanais
Ang mangyayari, iwasan man ng labis
Minsan kahit masakit dapat tapusin
Pagkat ang lamat ay hindi kayang ayusin

Mga luha'y tutulo
At para bang huli na ang lahat
Pero ako'y matututo
Babangon muli sapagkat

Tuloy ang takbo ng mundo, ang puso'y uusad
'Di malulumpo sa bigat ng binubuhat
At masungit ka, uulit ka kahit ulit-ulit pang madapa
'Di papatalo, tuloy ang takbo ng mundo

Kahit 'di sinasadyang mapagpaliban
Mga bagay na hindi sana nilisan
Minsan kahit ilang ulit pagsisihan
'Di na babalikan ang naiwan na 'di napag-isipan

Mga luha'y tutulo
At para bang huli na ang lahat
Pero ako'y matututo
Babangon muli sapagkat

Tuloy ang takbo ng mundo, ang puso'y uusad
'Di malulumpo sa bigat ng binubuhat
At masungit ka, uulit ka kahit ulit-ulit pang madapa
'Di papatalo, tuloy ang takbo ng mundo

Mga luha'y tutulo
At para bang huli na ang lahat
Pero ako'y matututo
Babangon muli sapagkat

Tuloy ang takbo ng mundo, ang puso'y uusad
'Di malulumpo sa bigat ng binubuhat
At masungit ka, uulit ka kahit ulit-ulit pang madapa
'Di papatalo, tuloy ang takbo ng mundo

Tuloy ang takbo ng mundo, ang puso'y uusad
'Di malulumpo sa bigat ng binubuhat
At masungit ka, uulit ka kahit ulit-ulit pang madapa
'Di papatalo, tuloy ang takbo ng mundo



Credits
Writer(s): Jeloy Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link