Sa'Yo Lamang

Puso ko'y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako'y iyo habang buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luho at karangalan
Kung ika'y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
Sa'yo lamang ang puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa iyo'y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa'yo
Sa'yo lamang ang puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Sa'yo lamang ang puso ko
Sa'yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa



Credits
Writer(s): Philip Gan, S.j., Fr. Manoling Francisco, Fr. Silvino Borres
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link