Ngumiti Ka Lang

Ikaw ba'y nalulungkot
Lagi na lang nakasimangot
Hindi makangiti lagi na lang nagkukubli
Sa bumbay na naniningil marami kang iniintindi
Ang gusto mo di mo mabili
Di mo malaman kung ano dapat na unahin

Kahit may pera ka ay kulang pa rin (ngumiti ka lang)
Huwag kang mawalan ng pag-asa (ngumiti ka lang)
Nang kunot sa noo ay mabawasan (ngumiti ka lang)
Solusyon sa problema nariyan lang (ngumiti ka lang)
Palitan ng masaya ang kalungkutan

Ikaw ba'y nalulumbay
Sa buhay mo na matamlay
Naiinip ka na ba sa kahihintay
Ng swerte mo sa buhay laging tumataya sa lotto
Kahit panalo mo'y di sigurado Pakiramdam mo ang malas ay kadikit mo

Kaibigan simple lang ang payo ko (ngumiti ka lang)
Huwag kang mawalan ng pag-asa (ngumiti ka lang)
Nang kunot sa noo ay mabawasan (ngumiti ka lang)
Solusyon sa problema nariyan lang (ngumiti ka lang)
Palitan ng masaya ang kalungkutan

Kahit na mahirap ang iyong pasan-pasan
Laging manalangin dahil siya ay nariyan
Di yan ibinigay kung di makakayanan
Maging positibo lang at tiyak makakamtan

Ngumiti ka lang (huwag kang mawalan ng pag-asa)
Ngumiti ka lang (nang kunot sa noo ay mabawasan)
Ngumiti ka lang (solusyon sa problema nariyan lang)
Ngumiti ka lang (palitan ng masaya ang kalungkutan)

Ngumiti ka lang (huwag kang mawalan ng pag-asa)
Ngumiti ka lang (nang kunot sa noo ay mabawasan)
Ngumiti ka lang (solusyon sa problema nariyan lang)
Ngumiti ka lang (palitan ng masaya ang kalungkutan)



Credits
Writer(s): Muriel Anne F. Jamito, Jeff Donnel Gungon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link