Dati

Naalala mo pa ba
No'ng tayo'y mga bata pa?
Nagtatampisaw sa ulan
Habang ako'y dahan-dahang nahuhulog
Sa 'yong mga titig na kay lambing
Ngunit ang puso ko'y nalilito pa rin
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman
Sapagkat ako'y bata pa

Pero ngayon
'Di na tulad noon
At sana naman
Pwede pa nating maibalik ang

Dati, dating alaala natin
Dati, dati, dadara-darati
Dati, dating alaala natin
Ang dati na tayong dalawa

Naaalala mo pa ba
No'ng tayo'y mga bata pa?
Mayro'ng ikaw, ikaw lang at ako
Atin ang mga mundo
'Di natin pansin ang oras natin
Habang tayo'y nag-uusap
Magkawahak ang mga palad natin
Habang tayo'y nakatingin sa ulap

Pero ngayon
'Di na tulad noon
At sana naman
Pwede pa nating maibalik ang

Dati, dating alaala natin
Dati, dati, dadara-darati
Dati, dating alaala natin
Ang dati na tayong dalawa

Ibalik, Ibalik ang dati
Dating pagmamahalan natin
Ako'y sabik na sabik
Sa 'yong yakap at halik, sana maibalik ang

Dati, dating alaala natin
Dati, dati, dadara-darati
(Dati, dating alaala natin)
Dati na tayong dalawa



Credits
Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link