O Inday - Isang Munting Harana Ni Gardo Sa Maid Ni Mr. Lim

Isang munting harana ni Gardo
Sa maid ni Mr. Lim

Mayro'ng kakaibang nadarama
Kapag nakita ka'y ano'ng saya
Sa t'wing iirap ang iyong mga mata
Lumiliwanag ang mundo sa 'yong ganda

Kay tamis ng 'yong mga ngiti
Pang-commercial ng Datu Puti
At kahit na ang ngipin mo'y medyo sungki
Ang 'yong halik ang s'yang minimithi

Oh, Inday, ako ay nabighani
Ng 'yong mga pisngi
Inday, sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin

Sa t'wing dumaraa'y nag-aabang
'Pag nautusan ka sa may tindahan
Ihahatid ka sa inyo
Sana'y wala doon 'yung amo mo

Sa araw-araw ay inaasam
Kahit saglit sana ay masilayan
Mayro'n akong hiling sa 'yo
Sa day-off mo, sana'y mag-date tayo

Oh, Inday, ako ay nabighani
Ng 'yong mga binti
Inday, sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin

Oh, Inday, ako ay nabighani
Ng 'yong mga pisngi
Inday, sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin

Oh, Inday, ako ay nabighani
Ng 'yong mga binti
Inday, sana ay bigyang pansin
Ang aking pagtingin



Credits
Writer(s): Darius Semaña
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link