Kailan

Bakit kaya nangangamba sa t'wing ika'y nakikita?
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga, aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala
Bawat araw sinusundan, 'di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin?

Bakit kaya umiiwas? Binti ko ba'y mayro'ng gasgas?
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayro'n sa puso ko, munting puwang laan sa 'yo
Maari na bang magpakilala?
Bawat araw sinusundan, 'di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin?

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim?
Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin?
Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Credits
Writer(s): Buendia Ely Eleandre
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link