Tanging Ligaya Ko

Nung una tayong nagkita ako'y nabighani na
'Kala ko ika'y suplada hindi pala
Isang araw bigla tayong nagkakwentuhan at nagkamabutihan
Naisip ko na baka ikaw na nga

Hindi ako nagsisisi nang ikaw ay niligawan
Tumitig sumigla ang mundo ko'y nag-iba
Ang babaeng hinahanap ko ng kay tagal ngayon nandito na
Habangbuhay pangakong tayo na

Sana'y 'di ka magbago pangako sa 'yo mamahalin kita
Mundo man ay maglaho walang ibang hiniling
Kun'di ang makapiling ka
Walang ibang gustong makasama

Inaalay ko ang buhay ko para sa 'yo
Ikaw ang tanging ligaya ko

Nang ikaw ay makasama may kakaibang nadarama
Sumaya gumanda at 'di na nag-iisa
Pangarap ko'y pangarap mo din at sabay nating aabutin
Kahit saan pa tayo makarating

Sana'y 'di ka magbago pangako sa 'yo mamahalin kita
Mundo man ay maglaho walang ibang hiniling
Kun'di ang makapiling ka
Walang ibang gustong makasama

Inaalay ko ang buhay ko para sa 'yo
Ikaw ang tanging ligaya ko

Bastat ipangako mo ako lang ang mahal
Ikaw at ako iisa tayo hindi magbabago itong pagtingin ko sa'yo

Sana'y 'di ka magbago pangako sa 'yo mamahalin kita
Mundo man ay maglaho walang ibang hiniling
Kun'di ang makapiling ka
Walang ibang gustong makasama

Inaalay ko ang buhay ko para sa 'yo
Ikaw ang tanging ligaya ko hooohh



Credits
Writer(s): Roque Santos, Michael Pangilinan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link