Masaya Ako Sayo

'Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
'Pag katabi kita, 'di ako makapagsalita pero 'di ibig sabihin no'n
Na ayaw kita at 'di kita gusto
Sadyang kumakaba lang ang damdamin ko

Gusto ko man sabihin sa 'yo pero ang lakas ng hiya ko
Parang ewan lang
Binibini ng buhay ko, handa 'kong ialay ang lahat
Sabihin mo lang at gagawin ko para lang sa 'yo

Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin
Sa 'yo, 'di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya ko sa 'yo

Naghihintay ng tala
Na daraan sa 'king paningin 'pagkat gusto kong humiling ng
Sana ang pinakatinatangi-tanging babae na sa 'kin nakapagdulot ng kakaiba
Sana'y 'di na mawalay pa, dahil baka 'di ko kayanin 'to, woh
Ikaw ang s'yang pinakamakislap na bituin para sa 'kin, sinta

Oh, at ikaw din ang s'yang
Nagsisilbing matamis na panaginip ko

Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin
Sa 'yo, 'di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya ko sa 'yo

Ikaw ang musikang naglalaro
Sa isipan ko, woh, woh
Ikaw ang s'yang awit ko (ang awit ko)
Sana ako'y dinggin mo

Ako ay parang emo kung magdrama
Sa 'yo lang nadama sayang kakaiba
Kumbaga, ikaw si Wendy, ako si Peter Pan
Sana'y sumama ka sa 'kin do'n sa Neverland

Nang mapagsaluhan natin ang pag-iibigan
Na walang katapusang walang hanggan
Ikaw ang nagbigay kabuluhan sa buhay ko
At ikaw ang s'yang sa akin ang nagbigay kahulugan

Kung bakit ako 'pinanganak ng magulang ko
Siguro nga ay para lamang ibigin ang isang
Binibini na nababalutan ng mga anghel sa paligid
At nagdudulot ng sayang nakakaparalisa

Nagpapasalamat ako sa itaas
Dahil 'pinakilala ka N'ya sa 'kin
Sana ay 'di, 'di-di-di, 'di ka na N'ya kunin sa 'kin
Dahil 'di ko kakayanin

Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin
Sa 'yo, 'di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya ko sa 'yo

Handa 'kong ibigay, lahat ng sa 'kin
Sa 'yo, 'di, 'di, 'di, 'di-di-di ko kayang mawala ka sa 'kin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang-buhay ka nang makasama 'pagkat masaya ko sa 'yo



Credits
Writer(s): Christian Earl Valenzuela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link