Maghihintay Sa Iyo - Encantadia 2016 Theme

Nag-iisang muli, yakap-yakap ng ulan sa lupa
Maghihintay na lang ng muling pagdating mo
Bakit kaya pinagtagpo kung tayo'y magkakalayo?
Mahirap man, puso'y mananatili sa iyo

Umaasang muli kang makasama
'Di man makita sa ngayon ('di man makita sa ngayon)
'Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa 'yo
Apoy ng puso ko'y (apoy ng puso ko'y) maghihintay

Sa bawat sandali, luha'y napapawi ng hangin
Maghihintay pa ring maging isa ang ating mundo
Tayo'y muling magtatagpo kahit ngayo'y magkalayo
Ang buhay ko't puso'y mananatili (mananatili) sa iyo

Umaasang muli kang makasama (muling makakasama)
'Di man makita sa ngayon ('di man makita sa ngayon)
'Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa 'yo
Apoy ng puso ko'y (apoy ng puso ko'y) maghihintay

Ipaglalaban ka kahit na umabot pa
Hanggang sa dulo ng huli kong paghinga
Maghihintay (maghihintay), maghihintay

Tayong dal'wa'y muling magkakasama (muling magkakasama)
Darating din ang panahon (darating din ang panahon)
'Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa 'yo (pag-ibig ko'y iyong-iyo)
Apoy ng puso ko'y (apoy ng puso ko'y) maghihintay



Credits
Writer(s): Isaac Garcia, Top Suzara, Christian Bautista, Allan Feliciano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link