Isang Pangarap Lang

Kahapon nu'ng tayo'y mga bata pa lamang
Mga puso'y inosente, pagmamahal ay libre
Mga gabi'y ika'y kasama, wala na ngang ibang hiling
Ang tanging dasal ko, habang-buhay kitang kapiling

Ang buhay paminsa'y mapagbiro
Landas ay hindi maituro
Ang pag-ibig na dati'y tanaw
Ngayo'y alaalang umalingawngaw

Sana'y maulit muli ang kahapon
Sana'y wala ng hanggan
Sana'y maibabalik pa ang ating
Matamis na nakaraan
Ngunit ngayon
Ito'y isang pangarap lamang, ooh

Kitang-kita sa aking mata (sa aking mata)
Ang ramdam kong saya (ramdam kong saya)
Kumikislap sa tuwa nu'ng tayo pang dalawa (kumikislap)
Ngayon, ako'y nagtataka kung bakit nawala
Sa kabila ng lahat, ako'y puno pa rin ng pangarap

Ang buhay paminsa'y nakakalito
Tadhana'y hindi mahulaan
Ang pag-ibig na dati tanaw
Ngayo'y alaalang umalingawngaw

Sana'y maulit muli ang kahapon
Sana'y wala ng hanggan
Sana'y maibabalik pa ang ating
Matamis na nakaraan
Ngunit ngayon (ngunit ngayon)
Ito'y isang pangarap lamang

Lagi kang hanap-hanap
Sa 'king pag-iisa (pag-iisa)
Ikaw ay alaala (alaala)
Lagi kang naiisip
Kahit sandali (sandali)
Makasama kita muli, oh, ooh

Sana'y maulit muli ang kahapon
Sana'y wala ng hanggan
Sana'y maibabalik pa ang ating
Matamis na nakaraan
Ngunit ngayon (ngunit ngayon)
Ito'y isang pangarap lamang

Sana'y maulit muli ang kahapon
Sana'y wala ng hanggan
Sana'y maibabalik pa ang ating
Matamis na nakaraan
Ngunit ngayon (ngunit ngayon)
Ito'y isang pangarap lamang

(Sana'y maulit muli ang kahapon)
(Sana'y wala ng hanggan)
(Sana'y maulit muli ang kahapon)
(Sana'y wala ng hanggan)



Credits
Writer(s): Medwin Marfil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link