Sundan Mo Ang Iyong Bituin

Sa buhay mo, kahit umiwas ka
Ang pagsubok ay dumarating sa t'wina
Tila walang daramay sa 'yo
Parang nag-iisa ka lang sa mundo

Huwag padadaig sa kabila nito
Mayro'ng bituing natatangi sa 'yo
Taas-noong harapin ang daigdig
Taglay ang pag-asa at pag-ibig

Sundan mo ang liwanag ng iyong bituin
Huwag mong hahayaang magwagi ang dilim
Kahit gaano pa ang lalim ng hatinggabi
Sa isang kislap mo lang mapapawi (mapapawi)
Matutupad mo rin ang iyong mithi (matutupad mo rin)
At sa dulo nga, aawit kang muli (aawit kang muli)
Sundan mo lang ang 'yong bituin lagi

Kailan pa man, 'di ka nag-iisa
Nakalaan sa 'yo ang pag-asa
Ang lahat ay makakaya mong gawin
Sundan mo lang lagi ang 'yong bituin

Sundan mo ang liwanag ng iyong bituin
Huwag mong hahayaang magwagi ang dilim
Kahit gaano pa ang lalim ng hatinggabi
Sa isang kislap mo lang mapapawi (mapapawi)
Matutupad mo rin ang iyong mithi (matutupad mo rin)
At sa dulo nga, aawit kang muli (aawit kang muli)
Sundan mo lang ang 'yong bituin lagi

Ooh, kahit gaano pang lalalim ang hatinggabi
Sa isang kislap mo lang mapapawi (mapapawi)
Matutupad mo rin ang iyong mithi (matutupad mo rin)
At sa dulo nga, aawit kang muli (aawit kang muli)
Sundan mo lang ang 'yong bituin lagi



Credits
Writer(s): Arnel De Pano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link