Sabi Na Nga Ba

Sabi mo, ako'y tunay mong minamahal
Sabi mo, pag-ibig natin ay magtatagal
Ngunit, bakit ang damdamin mo'y para bang hindi nasa 'kin?
Walang init gabi natin na kay lamig

Sabi mo, 'di na 'ko luluha pang muli
Sabi mo, iibigin mo bawat sandali
Hanggang langit ang ligaya t'wing nakakasama ka
Parang hangin ang pangako'y sadyang umalis

Sabi mo, ika'y magbabalik
Sabi mo, 'di na magtitiis
Hanap lagi ka ng puso kong
Nabulag at may hinagpis

Sabi mo, ako'y 'di pagpapalit
Ba't ngayon mayro'n ka nang kapiling?
Sabi na nga ba
May mahal ka nang iba

Sabi mo, ika'y magbabalik
Sabi mo, 'di na magtitiis
Hanap lagi ka ng puso kong
Nabulag at may hinagpis

Sabi mo, ako'y 'di pagpapalit
Ba't ngayon mayro'n ka nang kapiling?
Sabi na nga ba, sabi na nga ba
Sabi na nga ba
May mahal ka nang iba



Credits
Writer(s): Arnenio Mendaros
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link