Once Again (Iibigin Kang Muli Theme)

Ilang panahon pa ba ang magdaraan
Upang muli tayong magkita?
Gaano pa ba ako katagal maghihintay
Nang mayakap kita't mahagkan?

Sana'y hindi ka mawala sa piling ko
Buong buhay ko'y ikaw lang ang sinisigaw ng puso

Ikaw lamang ang kailangan
Hanggang marating ang walang-hanggan
Ikaw lamang ang magpupuno
Sa puso kong may kulang
Sa bawat sandali (makapiling kang muli)
Wala na akong mahihiling pa
Ikaw lamang (ikaw lamang), ngayon at kailan pa man

Saan ba tayo tutungo
Upang ikaw at ako'y 'di magkalayo?
Ngayong alam ko na na mamahalin kita
Sa hirap o ginhawa man, sinta

Sana'y hindi ka mawala sa piling ko
Buong buhay ko'y ikaw lang (buong buhay ko'y ikaw lang)
Ang sinisigaw ng puso (ang sinisigaw ng puso)

Ikaw lamang ang kailangan
Hanggang marating ang walang-hanggan
Ikaw lamang ang magpupuno
Sa puso kong may kulang
Sa bawat sandali (makapiling kang muli)
Wala na akong mahihiling pa
Ikaw lamang (ikaw lamang), ikaw lamang
Ikaw lamang, ngayon at kailan pa man



Credits
Writer(s): Matthew M Huesmann
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link