Maghihintay Kailanman

Kay tagal ko rin namang naghintay sa'yo
Kay tagal ko ng asam ang mga halik mo
Isipin ko lamang na ika'y mawawala
Parang di na ko makahinga

Kay tagal ko rin namang nangarap
Na sana ay sa atin na ang darating na bukas
Sa bawat sandali sa bawat ngiti
Aking paghihintay di na maikukubli

Kahit abutin pa ng umaga
Kahit di na dumating ang bukas
Nandito lamang maghihintay sa'yo
Kahit muli pang masaktan
Maghihintay kailanman

Kay tagal na rin kitang di nahagkan
Mga labi mong sana'y sa akin lamang
Inamin sa sarili di na maitago pa
Ang mga paghihintay ay di ko na makakaya

Kahit abutin pa ng umaga,
Kahit di na dumating ang bukas
Nandito lamang maghihintay sa'yo
Kahit muli pang masaktan
Maghihintay kailanman
Wohoh

Kahit abutin pa ng umaga,
Kahit di na dumating ang bukas
Nandito lamang maghihintay sa'yo
Kahit muli pang masaktan
Maghihintay kailanman



Credits
Writer(s): Jonathan Manalo, C. Floresca
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link