Pag Pwede Na Ang Puso Mo

Hanggang dito lang ba tayo, magkaibigang totoo?
Sa isa't isa'y wala ngang tinatagong sikreto
At pati nga sa pag-ibig, sa payo ko nakikinig
Kahit na iba ang liligaya, basta't ikaw ay masaya

Sa t'wing tayo'y magkasama, labis-labis ang saya
Madalas pang mapagkamalan na tayo nang dalawa
Tinatawanan nga lang natin, masakit man sa damdamin
Oh, kay hirap tanggapin kung bakit 'di ka naging akin

Oh, kay raming dahilan upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking nararapat na gawin
Kinakailangan kong labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka ngang iba, 'di s'ya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa 'yo, nandito lang ako
'Pag pwede na ang puso mo

Kailan ba maniniwala kung ano'ng mali at tama?
Minsa'y parang nais na kitang agawin sa kanya
Ngunit, 'di ko sisirain ang pinagsamahan natin
At ang tangi kong dalangin, ikaw sana'y maging akin

Oh, kay raming dahilan upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking nararapat na gawin
Kinakailangan kong labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka ngang iba, 'di s'ya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa 'yo, nandito lang ako
'Pag pwede na ang puso mo

Oh, kay raming dahilan upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking nararapat na gawin
Kinakailangan kong labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka ngang iba, 'di s'ya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa 'yo, nandito lang ako
'Pag pwede na ang puso mo



Credits
Writer(s): Socrates Villanueva
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link