Pag-Isipan Mo Ang Boto Mo

Nalilito ako kung sino'ng pipiliin ko
Kung sino'ng iboboto sa pagdating ng Mayo
Lahat ng kandidato, kanya-kanyang pangako
Tayo ay umaasang 'di 'to mapapako

Nalilito ako kung sino'ng totoo
Kung sino'ng maka-tao at tunay na Pilipino
Mahal natin ang bansa, 'di dapat paubaya
Sa taong 'di lubos ang pang-unawa sa kapwa

Pag-isipan mo at magdasal tayo
Kung sino ang dapat at kung sino ang tapat
'Yung hindi n'ya sasaktan, ating Inang Bayan
Nagmamahal nang wagas sa bayang Pilipinas

Ang Pilipino sa bawat sulok ng mundo
Ay umaasa sa panibagong umaga
Nasa ating palad ang kinabukasan
Gamitin natin nang tama ang ating karapatan

Ako'y naniniwalang Diyos ang magluluklok
Sa pangulong haharap sa lahat ng pagsubok

Pag-isipan mo at magdasal tayo
Kung sino ang dapat at kung sino ang tapat
'Yung hindi n'ya sasaktan, ating Inang Bayan
Nagmamahal nang wagas sa bayang Pilipinas

Pag-isipan mo at magdasal tayo
Kung sino ang dapat at kung sino ang tapat
'Yung hindi n'ya sasaktan, ating Inang Bayan
Nagmamahal nang wagas sa bayang Pilipinas

Nagmamahal nang wagas sa bayang Pilipinas



Credits
Writer(s): Mary Jane C Mendoza
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link