Agila
Nais kong lumipad tulad ng Agila
At lumutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad
Sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang
At maaring hindi matupad
Pagkat ang kagubatan ay nawawala
Mga puno nitoy nangingibang bayan
At pag walang puno
Wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila ay walang pugad
Wala na syang dahilang lumipad
O Haring Ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian moy muling mabuhay...
Kung nais mong makakita ng agila
Wag kang tumingala at tumitig sa langit
Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitiray bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyan nang mawawala
O haring ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y
Muling mabuhay
O haring ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y
Muling mabuhay...
At lumutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad
Sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang
At maaring hindi matupad
Pagkat ang kagubatan ay nawawala
Mga puno nitoy nangingibang bayan
At pag walang puno
Wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila ay walang pugad
Wala na syang dahilang lumipad
O Haring Ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian moy muling mabuhay...
Kung nais mong makakita ng agila
Wag kang tumingala at tumitig sa langit
Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitiray bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyan nang mawawala
O haring ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y
Muling mabuhay
O haring ibon
Hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y
Muling mabuhay...
Credits
Writer(s): Jose Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2025 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.