Sapagkat Ang Diyos Ay Pag-Ibig - From "Ikaw Ang Pag-Ibig"

Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso at kaluluwa
At siyang nagdulot sa ating buhay
Liwanag sa dilim at pag-asa

Pag-ibig ang siyang buklod natin
'Di mapapawi kailan pa man
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang
Kahit na tayo'y magkawalay

'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Sikapin sa ating pagtungo
Ipamalita sa buong mundo
Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo

'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal

Ohhh
'Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo't magtulungan
At kung tayo'y bigo, ay 'wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
Diyos ay pag-ibig



Credits
Writer(s): Dave Magalong
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link