Alab Ng Puso

Hawak ko ang kinabukasan
At wala akong dapat katakutan
Kahit masaktan man at masugatan
Alay ko buhay ko para sa katarungan, yo, Abra (Abra)

Isinilang sa mundo, punong-puno ng pagdurusa
Unang pagtanaw ng ilaw, may tumutulo na dugo sa
'King mga kamay, panay aray lang upang ibigay
Ang buhay ko na may kasabay pa na luha ni inay

Do'n ko nalaman ang ibig sabihin kung pa'no mabuhay para sa iba
Tutulungan sila na walang gustong kapalit, lalo na kung may naaapi na
At sa kabila ng mga pagsubok ay napiling pahalagahan
Ang aking mga kababayan, imbis na isipin ang sariling kapakanan

Talagang palaban, sa anuman na hamon ay ayaw tumanggi
Taas noo, banat buto kapag dugong kayumanggi
Mula pa noon hanggang ngayon, taglay ang purong kagitingan
'Di mapipigilan ang alab ng puso at isipan

Kapangyarihang batay sa kabutihang loob
Kahit tamaan ng kidlat, kayang takutin ang kulog
Kuwento ng buhay ko ay mapusok, iba't ibang tema na ang tinumpok
Aakyatin ang bundok hanggang do'n sa tuktok bago 'to malagyan ng tuldok kasi

Hawak ko ang kinabukasan
At wala akong dapat katakutan
Kahit masaktan man at masugatan
Alay ko buhay ko para sa katarungan

Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig
May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib
Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig
Para sa bawat dapa, handang tumindig

Minsan napapaisip ako (napapaisip ako)
Bakit ang daming naghihingalo? (Ang daming naghihingalo)
Masamang panaginip ba 'to?

Imbis na luwalhati, laganap ang dalamhati
Umaaraw, umuulan ngunit walang bahaghari
Madalas ay hindi patas ang mga alituntunin
Nagbabakasakaling tukuyin ang aking tungkulin

Na ipaglaban ang karangalan ng mga taong inalipusta
At alagaan ang kayamanan na hindi lamang galing sa bulsa
Dapat bawasan ang katamaran dahil pagkakabigo ang multa
Magkapangalan sa kasaysayan, tingalain kahit sa'n pumunta

Talagang subok na, mabilis tumugon kapag nakarinig ng saklolo
Kahit na walang utang na loob, tila handa pa ring mag-abono
Kasi madaling mabuhay para sa sarili lamang
Pero para bang baliwala 'pag wala nang ibang makikinabang

Sa kapangyarihang dulot ng kabutihang loob
Kahit tamaan ng kidlat, kayang takutin ang kulog
Kuwento ng buhay ko ay mapusok, iba't ibang tema na ang tinumbok
Aakyatin ang bundok hanggang do'n sa tuktok bago 'to malagyan ng tuldok kasi

Hawak ko ang kinabukasan
At wala akong dapat katakutan
Kahit masaktan man at masugatan
Alay ko buhay ko para sa katarungan

Ramdam ko ang aking pagkatao sa bawat tindig
May pwersa na nalilingid sa loob ng aking dibdib
Na nagsisilbing liwanag sa dilim ng daigdig
Para sa bawat dapa, handang tumindig

Kahit sino pwedeng maging bayani
Kailangan lang ng lakas ng loob, tiwala sa sarili
Handang magsilbi sa kapwa ng walang inaasahang kapalit
At para sa akin, 'yan ang alab ng puso



Credits
Writer(s): Abra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link