Ako Raw Ay Makasalanan

Ako raw ay makasalanan nagkasala sa lipunan
At ako'y kanilang hinatulan na di dapat pamarisan
Di ko na nais ang magkasala ngunit yan ang tanging lunas
Nang mga mahal kong nagdurusa sa hirap na dinaranas

Inaamin kong ako'y nagkasala nang dahil sa mahal sa buhay
Magtitiis na ako ang magdusa makita ko lamang maligaya
Magtitiis kahit na paratangan at hatulan makasalanan
Mahango lamang sa kahirapan ang mga mahal ko sa buhay

Ako raw ay makasalanan ako raw ay makasalanan

Credits
Writer(s): Pablo Hicban
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link