Lupang Hinirang

Bayang magiliw, perlas ng silanganan
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, 'di ka pasisiil

Bayang magiliw, perlas ng silanganan
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, 'di ka pasisiil

Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning
Ang bituin at araw niya, kailan pa ma'y 'di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo (sa piling mo)
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa 'yo



Credits
Writer(s): Julian Felipe, Alfredo Buenaventura
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link