Kakanta Ako, Sasayaw Kayo

Kakanta ako at sasayaw kayo
Lahat ng sasabihin ko'y susundin n'yo
Matatanggal kayo 'pag kayo'y nagkamali
Ang 'di makasabay ay matsutsugi

Mag-jogging, mag-jogging, mag-jogging kayo
Mag-jogging kayo nang magising kayo
Mag-jogging kayo nang nakaupo
Gayahin ang unggoy kapag nakatayo (ayan, ganyan!)

Babae at lalaki, mag-limbo rock kayo
Mag-limbo rock kayo, mag-limbo rock kayo
Alugin ninyo ang inyong katawan
At sabay-sabay na magheadbang

Kakanta ako at sasayaw kayo
Lahat ng sasabihin ko'y susundin n'yo
Matatanggal kayo 'pag kayo'y nagkamali
Ang 'di makasabay ay matsutsugi (tsugi time!)

Mag-jumping rope, mag-jumping rope, mag-jumping rope kayo
Mag-jumping rope kayo nang lumabas ang pawis n'yo
Mag-jumping rope kayo, nakataas isang paa
Mag-jumping rope kayo, dapat 'di matutumba (tuloy-tuloy lang!)

Ikembot ang baywang na parang may hula hoop
Ikembot ang baywang na parang may hula hoop
Gayahin n'yo ang bola na tumatalbog
At lahat kayo ay mag-crip walk

Kakanta ako at sasayaw kayo
Lahat ng sasabihin ko'y susundin n'yo
Matatanggal kayo 'pag kayo'y nagkamali
Ang 'di makasabay ay matsutsugi

Mag-moonwalk, mag-moonwalk, mag-moonwalk kayo
Tulad ni Michael Jackson, mag-moonwalk kayo
Mag-moonwalk kayo habang nag-i-strut
Mag-moonwalk kayo habang nag-i-strut

Mag-running man kayo, mag-running man kayo
Mag-running man kayo habang hawak ang ulo
Mag-Roger Rabbit na, mag-Roger Rabbit na
Mag-Roger Rabbit na tapos ay mag El Bimbo

Kakanta ako at sasayaw kayo
Lahat ng sasabihin ko'y susundin n'yo
Matatanggal kayo 'pag kayo'y nagkamali
Ang 'di makasabay ay matsutsugi (oops, oops, galingan n'yo!)

Mag-Basketbol, mag-Basketbol ng Viva Hotbabes (i-shoot mo)
At mag-Spaghetti kayo ng SexBomb Girls (aw!)
Mag-Otso-otso pa kayo ni Bayani
At mag-Pito-pito ni Willie Revillame (pito-pito, pito-pito)

Mag-Jumbo Hotdog pa ng Masculados
At Walang Sabit naman ni Sandara Park
Mag-Sasakyan Kita ng K and the Boxers
At Si Manloloko ni Ai-Ai delas Alas (manloloko ka pala)

Kakanta ako at sasayaw kayo
Lahat ng sasabihin ko'y susundin n'yo
Matatanggal kayo 'pag kayo'y nagkamali
Ang 'di makasabay ay matsutsugi (oops, oops, tsugi ka na!)

Mag-Moshi Moshi Ano Ne kayo ni Ya Chang
Mag-Ye Ye Vonnel naman kayo ni April Boy (idol)
At Sunod sa Galaw kayo ng JaBoom Twins (kambal)
Mag-Miss Flawless kayo ni Angelica Jones

Bata at matanda, lahat ay sumayaw (sumayaw)
Sayaw, sayaw, sayaw, 'wag lang 'yung magaslaw (over)
Ipakita n'yo ng kayang-kaya n'yo
Ang hindi sumayaw ay makakalbo (tabi-tabi po)

Kakanta ako at sasayaw kayo
Lahat ng sasabihin ko'y susundin n'yo
Matatanggal kayo 'pag kayo'y nagkamali
Ang 'di makasabay ay matsutsugi

Ay matsutsugi (korek!)



Credits
Writer(s): Camo Carlito
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link