Lilipas Din

Ayoko pang imulat ang
Mga matang nalulumbay
Takot akong gumising at
Wala ka na sa piling ko

Ang pag layo ay siya bang tugon
Sa akin ay iyong ibulong
Pait, hapdi pinag sama
Ngayon pa lang ramdam ko na

Lilipas din itong lungkot
Sabay na din sa paghilom
Ng puso at isipan ko
Hindi mo man aminin na
Wala na ang iyong pagsinta
Sa kilos mo'y alam ko na

Ako'y lubhang nagdurusa
Humihiling sa langit na
Ito'y isang bangungot lang
At bukas ay nandyan ka pa

Lilipas din itong lungkot
Sabay na din sa paghilom
Ng puso at isipan ko
Hindi mo man aminin na
Wala na ang iyong pagsinta
Sa kilos mo'y alam ko na



Credits
Writer(s): Holding Hands
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link