Mara Clara

Ang buhay minsa'y nakapagtataka
Kahit ating sikapin na ito ay maiba
Sa bandang huli, babalik muli
Sa kung saan lahat nagsimula

Ang kahapon ating 'di na mabalikan
At bukas ay palaging 'di natin malalaman
Totoo nga bang may guhit ang tadhana
O nasa tao ba ang paraan?

Mara Clara
Ika'y ako ngayon, at ako'y ikaw
Katotohanan, 'di pa natatanaw
Sa agos ng buhay, tiyak ay lilitaw

Ang buhay minsa'y nakalilito
Pilitin mang baguhin ang kanyang anyo
Lahat ma'y palitan, baliktari't takpan
Lilitaw ang tunay na loob nito

Mara Clara
Sinilang may kanya-kanyang palad
Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad
Ipinagpalit, 'di ginawang huwad

'Di ko masasabi pa
Hanggang saan? Hanggang kailan?
Itong magkabilang landas
At kailan magwawakas
Ang ating magkabilaan na katotohanan?

Mara Clara
Sinilang may kanya-kanyang palad
Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad
Ipinagpalit, 'di ginawang huwad

Mara Clara
Katotohanan ay lilitaw



Credits
Writer(s): Amado Angelo R. Lacuesta, Amado L. Lacuesta, Nonong Buencamino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link