Babalikang Muli - Adaptation of Namidaga Kimio Wasurenai

Pinilit kong limutin ka
Nang iwan mong bigo ang puso ko
Nilimot na kita sa buhay kong mag-isa
Ngunit, bakit ngayo'y ikaw pa rin ang hinahanap ko?

Babalikang muli, mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iniibig kita, 'yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroroon pa

Una pa lang nakita ka
Ang buhay ko'y laan na sa iyo
Kapwa tayong hibang, nangakong mag-iibigan
Binigay ko'ng lahat, minahal ka nang buong tapat

Babalikang muli, mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iniibig kita, 'yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroroon pa

Hindi kahit 'sang saglit
Mawawaglit sa puso kahit kailan

Babalikang muli, kahit ako'y nasasaktan
Hindi kita malilimutan
Kahit na sabihin na luluhang muli sa 'yo
Ibabalik ko ang kahapon, whoa-oh

Babalikang muli, mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iniibig kita, 'yan ang sigaw ng puso ko
Mahal pa rin kita, sa'n ka man naroroon pa



Credits
Writer(s): 0, Larry Chua
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link