Huling Awit

Nananalangin, nakapikit at taimtim
Iligtas mo ako sa landas na malagim
Sa mainit na silid
Mga tadyak sa 'king dibdib

Oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh
Mga laman ko ay nanginginig

Sa sahig na malamig
Sa pagbuhos nitong tubig
Nasisilaw sa ilaw
Sa paligid ay halimaw

Oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh

Hinding-hindi ako magbibitaw
Darating ang tamang panahon
Taong bayan ang maghuhukom
At silang mga api, ibabaon

Kung ako man ay mamamatay
Isasama ko sa 'king bangkay
At pangako ng paglaya't tagumpay

Inapakan, ninakawan, pinaslang
Aking bayan, inalipusta
Ginahasa, kinawawa
Ng berdugo ng bansa

Oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh
Oh-whoa-oh

Hinding-hindi ako magbibitaw
Darating ang tamang panahon
Taong bayan ang maghuhukom
At silang mga api, ibabaon

Kung ako man ay mamamatay
Isasama ko sa 'king bangkay
At pangako ng paglaya't tagumpay



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link