Talino

Ngayon ikaw ay nagising
Paligid mo'y nagniningning
'Di ba pag may dilim
May liwanag pa rin?

Kaya't ituloy mo'ng gusto mo
'Pagkat ika'y naririto
Kay raming bagay sa mundo
Na pagpipilian mo

At kung ito'y iyong matanto
Kunin mo at 'yun ang talino
Sikapin mong matuto
Sa mga pagkakamali mo, talino

Ano ang iyong hinihintay
Tayo na sa may baybay
Doon natin makikita
Magagandang kulay

'Wag ka na lang mag-aalinlangan
Hindi lang 'yan
Marami pa ang darating
Sa iyong buhay

At kung ito'y iyong matanto
Kunin mo at 'yun ang talino
Sikapin mong matuto
Sa mga pagkakamali mo, talino

Kaya't ituloy mo'ng gusto mo
'Pagkat ika'y naririto
Kay raming bagay sa mundo
Na pagpipilian mo

'Wag ka na lang mag-aalinlangan
Hindi lang 'yan
Marami pa ang darating
Sa iyong buhay

At kung ito'y iyong matanto
Kunin mo at 'yun ang talino
Sikapin mong matuto
Sa mga pagkakamali mo, talino

At kung ito'y iyong matanto
Kunin mo at 'yun ang talino
Sikapin mong matuto
Sa mga pagkakamali mo, talino



Credits
Writer(s): Hanopol Michael, Teresita Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link