Sa Dulang Ng Ama

Sa iisang hapag
Ating itatag ang pagkakaisa
Ang sisidlang basag ating ilapag sa dulang ng Ama
Pagsaluhan natin ang luksa
At damhin ang sugat ng bansa
Ay doon, doon natin ipunla
Butil ng diwang mapagpalaya

Sa iisang hapag ating itatag, ibangon, itindig
Sa dulang ng katotohanan
Sa sahig ng katarungan
Doon, doon natin ipagdiwang
Kapayapaa't pag-ibig

Sa iisang hapag
Ating itatag ang pagkakaisa
Ang sisidlang basag ating ilapag sa dulang ng Ama
Pagsaluhan natin ang luksa
At damhin ang sugat ng bansa
Ay doon, doon natin ipunla
Butil ng diwang mapagpalaya

Sa iisang hapag ating itatag, ibangon, itindig
Sa dulang ng katotohanan
Sa sahig ng katarungan
Doon, doon natin ipagdiwang
Kapayapaa't pag-ibig
Kapayapaa't pag-ibig



Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link